Kris Aquino, wish maging Mayor si Bimby

Kris Aquino, wish maging Mayor si Bimby
PHOTO : Kris Aquino and Bimby Yap

Ibinahagi sa isang panayam ng Queen Of All Media na si Kris Aquino ang hiling niya para kay Bimby na sana raw ay maging isang Mayor ito.

Bimby 18th Birthday

April 19, 2025 nagdiwang ang bunsong anak ni Kris Aquino ng kanyang 18th birthday, ang lugar ng selebrasyon ay sa bahay ng tanyag na designer na si Michael Leyva.

Bukod sa mabibilang mo lang sa iyong daliri ang kanilang bisita mula sa showbiz, present sina Miles Ocampo kasama ang kanyang fiancé na si Elijah Canlas.

Sa mismong kaarawan rin ni Bimby ay may pa-birthday greeting ang kanyang ama na si James Yap para sa kanya.

Ani James : “Happy 18th birthday Bimb. I love you [red heart emoji]”.

Kris Aquino : “Hindi Magnanakaw si Bimby”

Muling nagkaroon ng pagkakataon ang talent manager na si Ogie Diaz na makapanayam si Kris Aquino matapos ang kaarawan ng bunsong anak nito na si Bimby.

Dito na ibinahagi ni Kris ang kanyang mga wish tungkol sa kanyang anak at isa sa mga ito ay sana maging Mayor ang kanyang anak.

Ani Kris : “pinagdadasal ko parati na kung gaano siya kabait ngayon, all the way until siya na ‘yung may anak, sana umabot ng may apo, ganyan pa rin kabait. Kasi hindi ko binubuhat ‘yung bangko ko, but maganda talaga ang pagpapalaki sa kanya.

“Because it takes a village, and then I had so many people helping. Marami siyang mga mentor, until now na malaki na siya, tito and tita pa rin ang tawag niya.

“I want Bimb to be an inspiration to other kids na, normally kasi ‘di ba nanay ang nag-aalaga sa anak, na-reverse ‘yan talaga… Kasi ilang beses niya akong binuhat talaga.

“Sana umabot ako ako ng another, kasi na-discover ‘yung auto-immune ko, seven years ago. Sabi ko, ‘God dagdag. 7 plus 7. Para umabot akong nakita kong swearing in niya as Mayor.

“Because gusto niya, marunong siyang maki-deal sa lahat ng tao. Sobrang honest nito so hindi ‘yan talaga magnanakaw at all, and magaling mag-budget so maaalagaan niya ‘yung mga tao,” dagdag ni Kris Aquino.