Pangarap ni Alden Richards na maging Pilot, sinimulan na

Pangarap ni Alden Richards na maging Pilot, sinimulan na
PHOTO : Alden Richards

Malapit nang maabot ng kapuso actor na si Alden Richards ang matagal na niyang pangarap na maging pilot at ngayon ay sisimulan na niya.

Alden Richards, nag-training na para maging Pilot

Masayang ibinahagi ni Alden sa kanyang social media na opisyal na siyang nag-training para maging ganap na piloto, ang training niya ay isinagawa sa isang aviation school sa Pampanga.

Ang mismong aviation school kung saan nag-training si Alden ay sa Alpha Aviation Group na located sa Mabalacat, Pampanga.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang aktor habang tinuturo ang isang flight stimulator na may nakasulat na ‘ready for training’.

Caption ni Alden : “Reaching new heights, one flight at a time. [plane emoji]”.

Kung ating babalikan, inamin ni Alden Richards sa isang panayam na ang pagiging piloto ay matagal nang pangarap ng kanyang ama.

Aniya : “It has been my dad’s dream. sabi ko, ‘sige dad since medyo 59, 58 ka na ako na lang (magtutuloy), hopefully kung kaya this year matapos ko ‘yung course, then lipad lipad na tayo..”

Hindi lingid sa marami na ngayong taon lang ay masayang ibinalita ni Alden na nakatanggap siya ng scholarship mula sa isang aviation school sa Clark, Pampanga.

Hindi naman niya pinangalanan ang naturang aviation school pero isa lang ang tinitiyak ng aktor na magiging ganap na piloto na siya pagdating ng maikling panahon.