Proud na ibinida ng kapatid ni Dennis na si Gene Padilla ang kanyang tattoo na “Mr. Uninvited” sa social media.
Tattoo ni Gene Padilla, sagot sa bashers
Sa social media account ni Gene, dito niya ibinahagi ang isang video mula sa isang tattoo shop na magpapa-tattoo siya ng “Mr. Uninvited” para sagot sa kanyang mga bashers.
Caption niya : “Pa-tattoo ko nalang… Ganun din naman…”
Hindi lingid sa marami na naging bansag na kay Gene ang ‘Mr. Uninvited’ matapos ang kontrobersyal na kasal ng kanyang pamangkin na si Claudia Barretto, ang anak ni Dennis Padilla na kanyang kapatid.
Kung matatandaan, matapos ang kasal ni Claudia noong April 8, 2025 ay agad na naglabas ng kanyang pahayag si Gene tungkol sa hindi magandang karanasan nila sa mismong kasal ng pamangkin.
Ang rant pa ni Gene na bumiyahe pa siya ng ilang oras mula Bulacan hanggang sa Alabang tapos ganun lang umano ang nangyari sa mismong kasal ni Claudia.
Kaya naman hindi pinalampas ni Marjorie Barretto ang mga pahayag na ito ni Gene tungkol sa kasal ng kanyang anak na si Claudia at agad na sinupalpal ang kapatid ni Dennis Padilla.
Ani Marjorie : “Gene, ano bang nira-rant mo? First things first, no offense, you were not invited to the wedding. si Mama lang at si Dennis.