Ayon sa source ng isang website, iniyakan umano ni Kyline Alcantara ang video na inilabas ni Jackie Forster, ang ina ni Kobe Paras.
Marami rin sa mga kaibigan at malalapit kay Kyline ang nagbigay ng kanilang payo na wag nalang sagutin ang mga pahayag ni Jackie Forster sa social media.
Nakita umanong matagal na nag-iiyak si Kyline habang pinapanood ang video ng ina ni Kobe Paras, ang masama raw ay nasa kalagitnaan ng taping ang dalaga sa ‘All Out Sundays’.
Jackie Forster, sinabing si Kobe ang nakipaghiwalay kay Kyline Alcantara
Ayon sa source ng talent manager na si Ogie Diaz, ang dahilan umano nang hiwalayang Kyline at Kobe ay third party na napag-usapan nila sa kanilang Youtube show na ‘Showbiz Update’.
Say ni Ogie Diaz, nakarating na umano kay Kyline ang pambabae ni Kobe at kinumpirma nila ang break up nina Kyline at Kobe.
Ani Ogie Diaz : “Na-prove ni Kyline daw na totoo, may babae itong si Kobe… Eh ang sabi pa sa akin ay nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia tapos nandoon rin daw ‘yung girl..
“Ang labis pang ikinairita ni Kyline ayon pa sa ating source, na sabi ni Kyline sa kanya na, ‘Ang kapal ng mukha ni Kobe kasi gamit pa ang mga sasakyan ko habang nagtsi-cheat.” pahayag ni Ogie.
Ayon kay Jackie Forster, nagmamaka-awa raw ang aktres na si Kyline sa kanyang anak na si Kobe na bumalik sa kanilang tinitirahan para mag-sorry sa kanya.
Binigyang diin rin ni Jackie na ang kanyang anak na si Kobe Paras ang nakipaghiwalay sa dalaga.
Aniya : “Kobe gives his all, he’s kind, he’s generous, he sticks to one. But when he’s made to feel a certain way, he’s done”