Viral sa social media ang video ng isang lalaki na kinagat ng buwaya matapos itong pumasok mismong kulungan sa Siay, Zamboanga Sibugay.
Tila palabas sa pelikula ang nasaksihan ng mga tao na namamasyal sa Kabog Mangrove Park and Wetlands na located sa Siay, Zamboanga matapos pumasok ang lalaki sa mismong kulungan ng buwaya.
Lalaki pumasok sa kulungan ng buwaya kasi akala’y laruan lang
Ang lalaki ay 29 years old at ayon sa spokesperson ng Siay Police station, inakala umano ng lalaki na laruan lang ang buwaya at para umano makumpirma niya ito ay agad siyang tumalon papasok sa kulungan.
Ani ng Siay Police Station : “Nagpasyal siya sa area then nakita niya yung crocodile, in-expect niya na laruan lang. Pumunta siya sa bakod ng crocodile, pumasok siya, tapos nakagat siya ng crocodile.”
Hindi naman nagtagal ay na-rescue ang lalaki at agad na dinala sa pagamutan na nagtamo ng maraming sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Ayon sa isang saksi : “Okay naman siya at nai-sugod sa ospital kanina, pero may sugat siya sa kanyang binti at balikat.”
Ayon naman kay spokesperson, Police Major Shellamie Chang : “Aware yung mga tao doon na talagang may buwaya nandoon sa loob ng cage and sabi naman ng mga kamag-anak na may problema nga po sa pag-iisip at napagkamalan nga po talaga niya na laruan yung nandoon sa cage kaya tumalon po siya sa loob.”
Sa viral video na kumalat online, tila sumisigaw pa sa sobrang sakit ang lalaki dahil hindi siya binibitawan ng buwaya, kagat-kagat pa ang kanyang binti at ilang beses din siyang pinaikot-ikot.
Pinakawalan lang ng buwaya ang lalaki nang hampasin na ng may-ari ang steel fence gamit ang kahoy para gumawa ng ingay.
Park, sumusunod sa safety standards
Binigyang diin ng tiyuhin ng biktima na nagkulang ang naturang park sa seguridad sa mismong kulungan ng buwaya kaya nakapasok ang pamangkin niya.
Wala raw silang nakitang security guard sa paligid para masita ang mga papasok sa kulungan ng buwaya.
Pero ayon sa isang crocodile expert, sumunod umano ang park sa safety standards nang pag-aalaga ng buwaya.
“Yung facility po nila is standard and compliant naman sa lahat ng security features. What we want to include for the additional safety baka pwedeng lagyan pa ng isang perimeter fence na mahaba just to make them the viewers na hindi siya agad makapasok.” ayon kay Crocodylus Porosus Philippines Inc. Program Director, Rainer Manalo.
Nangako naman ang may-ari ng park na sasagutin nila ang lahat ng gastos sa hospital ng biktima.
WATCH HERE :