Viral sa social media ang content creator na si Yanna Motovlog matapos itong makipag-sagutan sa isang naka-pick up sa Zambales.
Yanna Motovlog, persona non grata sa Zambales
Tila umani ng pambabatikos si Yanna Motovlog matapos mag-viral ang isang content nito na nagmamagaling at galit na galit pa sa isang pickup driver.
Tila sinita niya ang pickup driver dahil hindi umano ito gumagamit ng kanyang side mirror pero kitang-kita naman sa kanyang video na mismong ang motor niya ang walang nakalagay na side mirror.
Matapos mag overtake ni Yanna sa naka pickup ay agad itong naglabas ng kanyang ‘middle finger’ at dito na nila hinintay sa unahan si Manong na naka-pickup para umano ‘sapakin’.
Bumaba ang naka-pickup at dito na sila nagsimulang magsagutan, naitanong kay Yanna ng pickup driver kung bakit nagmi-middle finger ang motovlogger pero galit na galit si Yanna at ang pasigaw niya na tanong sa pickup driver na ‘bakit nga ba? You tell me?’ na may sabay pagmumura pa sa pickup driver.
Matapos mag-viral sa social media ang video, naglabas ng official statement ang province of Zambales na pinapatawan nila ng ‘Persona Non Grata’ si Yanna Motovlog.
Ayon naman sa mga netizens, ang pagka-Persona Non Grata ng vlogger sa Zambales ay ang isa sa pinaka-satisfying news na nabasa nila.
Posibleng haharap sa patong-patong na kaso si Yanna matapos pumalag ang pamilya ni Kuya na naka-pickup matapos inupload ang video na kita pa ang mukha nito na walang pahintulot.
Mukhang mawawalan pa ng bisa ang kanyang driver license ng motovlogger dahil sa kanyang viral video.