Ara Davao, nilinaw ang cause of death ng kanyang ama na si Ricky

Ara Davao, nilinaw ang cause of death ng kanyang ama na si Ricky
PHOTO : Ara and Ricky Davao

Naglabas ng kanyang pahayag ang anak ni Ricky na si Ara Davao tungkol sa tunay na cause of death ng kanyang ama.

Kung ating babalikan, December 2024 inihayag ng veteran columnist na si Cristy Fermin ang tungkol sa diumano’y iniindang malubhang sakit ng aktor na si Ricky Davao.

Ani Cristy : “Nakarating sa akin ang balita na may pinagdadaanan ngayon ang magaling na aktor at direktor na si Ricky Davao.

“Hindi po mula sa amin manggagaling kung ano po ang pinagdadaanan niyang sakit ngayon.

“Mas maganda po kung sa kaniyang pamilya magmumula ang balita. Pero isa lamang po ang sabi ng aking source. Humihiling po ng dasal ang pamilya,

“At muli po, ang ating hiling sa ating mga kababayan, bigyan po natin ng panahon para sa isang panalangin si Ricky Davao.” dagdag ni Cristy Fermin.

Si Ricky ay pumanaw noong May 1, 2025 dahil sa kanyang iniindang sakit.

Cause of death ni Ricky Davao dahil sa cancer

Sa kanyang social media post, nilinaw ni Ara ang tunay na dahilan sa biglaang pagpanaw ng veteran actor at direktor na si Ricky.

Aniya : “It is with great sadness that we announce the passing of our beloved father, Ricky Davao. He passed away peacefully, surrounded by his children and loved ones, after bravely facing complications related to cancer.

“For more than four decades, he dedicated his life to the craft of acting and directing. His remarkable body of work and award-winning performances have left a lasting legacy that will continue to inspire. Most of all he was a loving father, brother, son, and friend.

“We are deeply grateful for your prayers, love, and kind messages during this difficult time. Details about his memorial service will be shared soon.” dagdag ni Ara.