Rendon Labador, sinupalpal si Yanna Motovlog

Rendon Labador, sinupalpal si Yanna Motovlog
PHOTO : Rendon Labador and Yanna Morovlog

Hindi nakapag-pigil ang motivational speaker na si Rendon Labador at naglabas ng kanyang pahayag tungkol kay Yanna Motovlog.

Rendon Labador, sinupalpal si Yanna Motovlog

Sa kanyang social media post, hindi nakapag-timpi si Rendon at sinupalpal si Yanna Motovlog.

Ani Rendon : “Yanna, paalala lang… ang pagiging influencer ay isang malaking responsibilidad. Mayroon tayong social responsibility na dapat tayo ang manguna sa pag papakita ng respeto sa kapwa.

“Nakakalungkot na hindi mo naibagay ang ugali mo sa itsura mo. Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo,

“Eto ang payo ko sayo bilang kuya na galing na sa sitwasyon mo ngayon. Mahirap yang pinagdadaanan mo, alam ko. Kahit maging feeling tough ka, alam kong nasa dilim ka ngayon. Sana ibaba mo ang ego mo at humingi ka ng tawad sa mga tao.

“Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kayabangan, hindi ka naman sikat at lalong hindi ka naman sobrang ganda, hindi ka din naman sobrang yaman para mag attitude. Sana sa mga taong hindi kaya mag pakita ng “respeto” sa kapwa, paki usap huwag na muna kayong lumabas ng bahay.

“I-respeto natin ang motorcycle community, huwag nating dungisan at sirain ang mga magandang nasimulan. Ito kasi ay hindi lang basta basta libangan, kadalasan andito tayo para sa layuning mabalanse at malibang sa kanya kanya nating buhay. Ito ay isang positibong gawain na dapat nating mahalin.

“Yanna, andito lang ako kung kailangan mo ng totoong payo. Yung mga kaibigan mong influencer at vlogger na ginagatungan ka pa at tinotolerate ka pa ay hindi mo totoong kaibigan yan. Imbes na pag sabihan ka na mali ka, parang pinapalakas pa ang loob mo.

“Mag bago ka na habang hindi pa huli ang lahat. Andito lang kuya Rendon mo sasampalin kita ng katotohanan.” dagdag ni Rendon.

Show cause order, inilabas ng LTO laban kay Yanna Motovlog

Kung ating babalikan, pinerahan ni Yanna o Alyanna Mari Aguinaldo ang isang video sa social media nang sagutan at panlalait nito sa isang pick-up driver sa Zambales.

Sa viral video sinita ni Yanna ang pickup driver dahil hindi umano ito gumagamit ng kanyang side mirror pero kitang-kita naman sa kanyang video na mismong ang motor niya ang walang nakalagay na side mirror.

Matapos mag overtake ni Yanna sa naka pickup ay agad itong naglabas ng kanyang ‘middle finger’ at dito na nila hinintay sa unahan si Manong na naka-pickup para umano ‘sapakin’.

Bumaba ang naka-pickup at dito na sila nagsimulang magsagutan, naitanong kay Yanna ng pickup driver kung bakit nagmi-middle finger ang motovlogger pero galit na galit si Yanna at ang pasigaw niya na tanong sa pickup driver na ‘bakit nga ba? You tell me?’ na may sabay pagmumura pa sa pickup driver.

Matapos mag-viral sa social media ang video, naglabas ng official statement ang province of Zambales na pinapatawan nila ng ‘Persona Non Grata’ si Yanna.

Ayon naman sa mga netizens, ang pagka-Persona Non Grata ng vlogger sa Zambales ay ang isa sa pinaka-satisfying news na nabasa nila ngunit hiling rin nila na sana makasuhan pa ang content creator.

Posibleng haharap sa patong-patong na kaso si Yanna matapos pumalag ang pamilya ni Kuya na naka-pickup matapos inupload ang video na kita pa ang mukha nito na walang pahintulot.

Sa show cause order ng LTO o Land Transportation Office, hinihikayat nila si Yanna na pumunta sa kanilang tanggapan upang magpaliwanag.

Dahil sa bisa rin ng kanilang show cause order, suspendido ang drivers licence nito sa loob ng 90 days at kinakailangan na i-surrender ito ni Yanna sa LTO.

Ayon sa LTO : “Matagal na tayong nagpapaliwanag sa milyon-milyong nating mga kababayang motorista na walang mabuting idinudulot ang init ng ulo sa kalsada—at napakarami na ang naparusahan natin dito”