Vice Ganda, binatikos matapos i-endorso si Benhur Abalos

Vice Ganda, binatikos matapos i-endorso si Benhur Abalos
PHOTO : Vice Ganda and Benhur Abalos

Binatikos si Vice Ganda matapos nitong ipahayag ang kanyang pagsuporta sa senatorial candidate na si Benhur Abalos.

Kilala si Vice sa pagiging bukas sa pagpapahayag ng kanyang opinyon, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika.

Marami ang humahanga sa kanyang pagiging vocal sa mga adbokasiya na may kinalaman sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at good governance.

Ngunit sa pagkakataong ito, maraming netizen ang hindi nagustuhan ang desisyon ni Vice na i-endorso si Benhur bilang senador sa darating na May 12, 2025 elections.

Vice Ganda, in-endorso si Benhur Abalos

Sa kanyang endorsement video sa social media, tahasang sinabi ni Vice na mas mabuti na raw si Benhur ang iboto kaysa sa mga “walang kwenta” na kandidato.

Aniya, “Kesa naman ‘yong mga walang kuwenta ang pumasok sa Top 12, dito na ako #1 Abalos, Benhur.”

Netizens, umalma sa pag-endorso ni Vice Ganda kay Benhur Abalos

Gayunpaman, hindi nga natuwa ang ilang fans ni Vice sa pag-endorso niya kay Benhur at sunod-sunod ang mga negatibong komento mula sa netizens.

Ilan lamang sa komento ng netizens :

“Big NO for me!”

“Pinakawalang kwenta pa pinili mo, Vice!”

“Love kita, Meme, pero pass kay Abalos.”

Tahimik naman si Vice sa kabila ng matinding batikos ng netizens dahil sa pag-endorso niya kay Benhur.

Samantala, nagpasalamat naman si Abalos sa naging suporta ni Vice Ganda at ayon sa kanya na hindi niya ito inaasahan.

Saad ni Benhur sa kanyang Facebook post, “Sa mga huling araw ng kampanya, hindi po natin akalaing makatatanggap tayo ng ganito kalaking suporta. Maraming salamat sa nag-iisang unkabogable, Vice Ganda! Taos-puso akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay mo. Pangako, iingatan at susuklian ko ito ng tapat at solidong paglilingkod sa Senado!”

Sino si Benhur Abalos?

Lingid sa kaalaman ng marami, si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ay dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Bago iyon, nagsilbi siyang chairman ng MMDA at matagal na naging mayor at congressman ng Mandaluyong.

Isa siyang abogadong nagtapos sa Ateneo at may mahigit dalawang dekadang karanasan sa pulitika.

Ngayong 2025 midterm elections, muling tumatakbo si Abalos para sa Senado.