BINI Issue : Jhoanna, Stacey, Colet, binatikos dahil sa isang video

BINI Issue : Jhoanna, Stacey, Colet, binatikos dahil sa isang video
PHOTO : Shawn Castro, Jhoanna, Ethan David, Stacey and Colet

Viral ang issue ng BINI dahil sa kumalat na video ng sikat na P-Pop girl group na sina Jhoanna Robles, Stacey Sevilleja, at Colet Vergara.

Lumabas ang video noong May 7 at agad nag-trending sa X (dating Twitter), dahilan upang umani sila ng batikos mula sa netizens at mga fans.

BINI – “Nation’s Girl Group” at Simbolo ng Kabataan at Empowerment

Simula ng inilunsad noong 2021, kinilala ang BINI bilang isa sa pinakasikat na girl groups sa bansa.

Binubuo sila ng walong miyembro at naging kilala sa mga hit song na “Pantropiko,” “Karera,” at “Salamin.” 

Dahil sa kanilang malinis na imahe, advocacy sa women empowerment, at koneksyon sa kabataang tagahanga, karamihan ay menor de edad, mataas ang pamantayan ng publiko sa kanilang asal. 

Kaya’t hindi maiwasang madismaya ang kanilang mga tagahanga, na tinatawag na “Blooms,” nang makita ang viral video.

Kontrobersyal na video ng BINI (issue)

Sa video, makikita sina Ethan David ng GAT at Viva One series na “Ang Mutya ng Section E,” at ang dancer-content creator na si Shawn Castro malaswang galaw na tila nagtatalik.

Makikita rin si Jhoanna na nasa couch at tumatawa habang nasa harap niya sina Ethan at Shawn.

Bukod pa rito, maririnig ang boses na sinasabing kay Stacey na nagsabi ng, “Ganyan ginagawa niya kay Ashley… sinasabunutan.” 

Mas ikinabigla ng publiko ang sinabi ng isang babaeng kaboses umano ni Colet na: “Oo, 13 years old.”

Reaksyon ng Netizens

Hindi nagtagal ay binaha ng pambabatikos ang social media, kabilang na ang mismong mga tagahanga nila.

Binatikos ng netizens sina Jhoanna, Stacey, at Colet dahil ginawa nilang katatawanan ang isyu ng grooming at sexual abuse, lalo pa’t menor de edad ang “Ashley” na nabanggit nila sa video.

Habang dismayado ang maraming Blooms dahil hindi nila inaasahan na ganito ang gagawin ng BINI Members na dapat ay ehemplo umano ng mga kababaihan.

Opisyal na Pahayag ng BINI kaugnay ng issue

Sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos, naglabas ng opisyal na pahayag ang BINI para linawin ang kanilang panig.

Ayon sa grupo, ang video ay kuha sa isang “private moment” kasama ang mga kaibigan at wala raw silang intensyong gawing biro ang seryosong isyu.

Aminado ang grupo na sila’y nagkamali at sinabi nilang tinatanggap nila ang buong responsibilidad sa nangyari.

“We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability,” saad sa kanilang pahayag.

Humingi rin sila ng paumanhin sa kanilang mga tagasuporta, kaibigan, pamilya, at sa publiko. 

Anila, nais nilang matuto mula sa pagkakamali at mangakong magiging mas mabuting huwaran sa hinaharap.