Muling namataan si Kapuso actress Bea Alonzo sa Bangkok, Thailand, kasama ang rumored billionaire o new boyfriend nito na si Vincent Co.
Sino si Vincent Co?
Si Vincent Co ay presidente ng Puregold Price Club Inc., ang retail giant na itinayo ng kanyang mga magulang na sina Lucio at Susan Co.
Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawa at itinuturing na tagapagmana ng Puregold empire.
Sa edad na 44, si Vincent ay kabilang sa listahan ng Forbes bilang bahagi ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa Pilipinas, na may tinatayang net worth na $2.3 billion noong 2024.
Paano na-link si Bea Alonzo kay Vincent Co?
Nagsimula ang espekulasyon na may namamagitan kina Bea at Vincent noong April 2025 matapos mapansin ng netizens ang halos sabay na posts ng dalawa mula sa kanilang bakasyon sa Spain.
Nagbahagi si Bea ng larawan sa Andalucía habang gamit ang kanyang BASH Manila luggage brand.
Kasabay nito, si Vincent ay nag-post rin ng larawan mula sa parehong lugar, na may magkaparehong background at tanawin.
Lalong lumakas ang hinala ng netizens nang mag-post si Vincent ng isang video kung saan makikita siyang naglalakad sa tabing-dagat kasama ang isang babae.
Pinaniniwalaan ng netizens na si Bea ito, base sa postura at suot na kapareho ng outfit ng aktres sa isa niyang post.
Bea at Vincent, spotted sa Bangkok Airport
Matapos ang mga posts mula sa Spain, muli silang namataan sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok kamakailan.
Sa isang candid photo na kuha ng netizen, kitang-kita si Bea at Vincent habang magkasamang hinihila ang kanilang mga maleta.
Simple at relaxed ang ayos ng aktres, habang casual ang dating ng negosyante.
Reaksyon ng netizens sa new boyfriend ni Bea Alonzo
Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo, patuloy ang pag-igting ng espekulasyon.
Maraming fans ang kinilig at nagsabing “perfect match” umano ang dalawa, hindi lang sa itsura kundi pati na rin sa estado sa buhay.
Kaya sa kabila ng katahimikan ng dalawa, tila lalo pang lumalalim ang interes ng publiko sa kanilang umano’y relasyon.