Good news dahil balik showbiz na ang aktres na si Yen Santos at may new project na ito matapos ang breakup nila ng aktor na si Paolo Contis.
Yen Santos new project
Sa social media post ni Yen, ibinahagi niya ang kanyang new project sa Instagram na may caption na : “Day 1. The joy of being back”.
Hindi naman nilinaw ng aktres kung ito ba ay commercial, pelikula o teleserye pero isa lang ang gustong ipahatid sa atin ni Yen na siya ay masaya sa kanyang showbiz comeback.
Hindi lingid sa marami na ilang taon rin nawala si Yen sa showbiz matapos ang issue na nagsilabasan tungkol sa kanilang dalawa ng aktor na si Paolo Contis.
Halos 4 years din na nawala si Yen sa limelight o sa harap ng camera pero hanggang sa ngayon ay hindi parin nito ibinabahagi kung ano ang tunay na dahilan.
Yen Santos at Paolo Contis breakup
Kung ating babalikan, naging national issue ang tungkol kina Yen Santos, Paolo Contis at LJ Reyes matapos kumalat ang mga balita na ang aktres na si Yen ang third party sa hiwalayang Paolo at LJ.
Ngunit sa isang panayam nilinaw ni Paolo na hindi nag-overlap si Yen sa relasyon nila ni LJ dahil hiwalay na sila ng dating partner bago paman sila nagkamabutihan ni Yen.
Taong 2023 inamin nina Paolo at Yen ang kanilang relasyon, taong 2024 naman lumitaw ang mga balita tungkol sa kanilang breakup at inamin ni Paolo na siya ay single.