Parehong natalo sa kakatapos lamang na midterm elections sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, sila ay parehong tumatakbong councilor.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na asarin sina Marjorie at Dennis dahil nasira umano ang kanilang political career dahil sa issue nilang dalawa kamakailan.
Dennis Padilla at Marjorie Barretto runs for midterm elections
Si Marjorie at tumakbong councilor sa 1st district ng Caloocan habang si Dennis naman ay tumakbong councilor sa 2nd district ng Caloocan, pareho silang nabigo na makaupo sa pwesto.
Nagtapos ang midterm elections pero kinulang ang kanilang mga boto dahil nasa ika-7 pwesto lamang si Marjorie Barretto habang nasa ika-16 naman si Dennis Padilla.
Hindi lingid sa marami na nagkaroon sila ng kontrobersyal na issue sa mismong kasal ng kanilang anak na si Claudia noong April 9, 2025 dahilan upang pagpiyestahan ng mga netizens ang kanilang pamilya.
Malinaw naman na hindi nakatulong ang bardagulan nina Marjorie at Dennis sa halip ay baka ito pa ang naging dahilan ng kanilang pagkatalo sa elections 2025.
Narito ang komento ng mga netizens :
“Kala kasi nila mkatulong un sa kandidatura nila ung mgbatuhan cla mga masasamang salita sa isat isa e pamilya sila,kala nila mga botante katulad nila ang sitwasyon ng pamilya.”
“pano kayo maging leader sa isang lugar kung sarili ninyo problema di maayusin”
“Ano naman kasi ang gagawin nila? Kailangan, di lang sikat, dapat, alam ang gagawin. May sound background sa trabahong gagampanan kasi public service yan. Eh, di nga naglalalabas ang mga yan sa bahay nila, laging naka aircon. Di nila ramdam ang hirap ng mga tao.”