Usap-usapan ngayon ang pagbebenta ng superstar na si Nora Aunor ng kanyang property o ari-arian kay Chavit Singson bago ito pumanaw.
Kung ating babalikan, si Nora ay naihatid na sa kanyang huling hantungan sa libingan ng mga bayani noong April 22, 2025 na dinagsa ng mga kamag-anak, mga kaibigan at mga tagahanga ng nag-iisang “Superstar”.
Gulat na gulat ang buong bansa sa biglaang pagpanaw ng superstar na si Nora Aunor, kinumpirma ito ni Ian de Leon sa isang panayam, ang nag-iisang biological child ng singer-aktres.
Pumanaw si Nora noong April 16, 2025 sa edad na 71, ang cause of death ng superstar ay acute respiratory failure.
Property ni Nora Aunor, tinanggihan ni Chavit Singson
Ibinahagi ng veteran columnist na si Cristy Fermin ang paglapit ng superstar sa negosyante at sa former Member of the House of Representatives of the Philippines na si Chavit Singson.
Ayon kay Cristy, lumapit muna si Nora sa dating aktres na si Daisy Romualdez upang magpatulong na makausap ang negosyanteng si Chavit Singson tungkol sa binebenta nitong property na located sa Iriga Bicol.
Agad umanong tinawagan ni Daisy si Singson, pero tinanggihan ng Gobernador ang property ni superstar dahil hindi raw siya bumibili ng properties sa ngayon.
Rason sa pagbebenta ni Nora ng ari-arian
Kasunod nang pagtanggi ni Manong Chavit sa binibentang property ni Nora sa Bicol ay agad nitong nalaman ang tunay na dahilan.
Ang mapagbibilhan pala ng properties ni Nora ay gagamitin ng superstar sa kanyang heart surgery kaya agad na tinulungan ni Singson si Ate Guy.
Sinabi mismo ni Chavit na wag nang mag-alala dahil sasagutin nalang ng negosyante ang mga hospital bills ni Nora.