Wow! Mukhang approved para kay Kris Aquino ang special girl o future girlfriend ni Bimby matapos itong ipakilala kay Kris.
April 19, 2025 nagdiwang ang bunsong anak ni Kris Aquino ng kanyang 18th birthday, ang lugar ng selebrasyon ay sa bahay ng tanyag na designer na si Michael Leyva.
Bukod sa mabibilang mo lang sa iyong daliri ang kanilang bisita mula sa showbiz, present sina Miles Ocampo kasama ang kanyang fiancé na si Elijah Canlas.
Sa mismong kaarawan rin ni Bimby ay may pa-birthday greeting ang kanyang ama na si James Yap para sa kanya.
Ani James : “Happy 18th birthday Bimb. I love you [red heart emoji]”.
Bimby Aquino secret revealed (future girlfriend)
Sa mismong kaarawan ni Bimby, dito na niya ni-reveal ang kanyang secret.
May kinalaman ito sa special someone niya, possible rin na ang girl na ito ay ang magiging ‘future girlfriend’ ni Bimby at nakilala na pala ito ng Queen Of All Media na si Kris Aquino.
Ani Bimby : “They met na.”
Dagdag pa ni Bimby : “Ay, type na type ni Mama, the very first girl my mom liked.”
“Alam mo naman si mama, go, go, go, go! Sabi lang niya enjoy your youth, you’ll never know paggising mo wala na, matanda ka na.
“Noong nag-18 ako tito Ogie, I realized na time flies by talaga kasi parang as I get older, the years gets shorter. Wow, 18 years old na ako. It feels like yesterday lang na I was 10 years old” dagdag ni Bimby.
Ayon pa sa bunsong anak ni Kris sa panayam nito kay Ogie Diaz , sa una raw ay takot siyang ibahagi ang tungkol sa special someone niyang ito dahil baka umano maudlot.
Ani Bimby : “I can’t say baka it won’t come true eh, I can’t risk it baka it might not come true, kasi very important, Tito Ogie.”
Naitanong naman ni Ogie Diaz kung ang girl na ito ay ‘official girlfriend’ na ni Bimby, sagot naman ng anak ni Kris na friends pa raw muna.
Sagot ni Bimb : “Wala, wala friends lang, tito Ogie,”.
Ayon pa sa kanya na kapag nag propose na si Bimby sa special someone niyang ito ay willing si Kris ibigay ang singsing na nagmula sa kanyang ina.