Ibinahagi ng veteran columnist na si Cristy Fermin na si Bongbong Marcos Jr. (BBM) ang nagbayad sa buong hospital bill ni Nora Aunor.
Ayon kay Cristy Fermin, naitanong niya ang tungkol sa hospital bill ni Nora sa singer at former Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin na kasalukuyang isa rin sa direktor ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Hospital bill ni Nora Aunor
Tanong ni Cristy : “Sino talaga ang nagbayad ng hospital bill?”.
Sagot ni Imelda Papin : “Noong mag-kausap kami ni Pangulong Bongbong Marcos (Jr.) ang sabi ko sa kanya, ‘President ako na po ang bahalang umayos ng hospital bill ni Nora (Aunor).”
Sagot raw ni Bongbong Marcos Jr. : “ay hindi-hindi puwede, huwag! Sasagutin ko ‘yan. Ako ang sasagot diyan.”
Cristy, nilinaw na hindi PCSO ang nagbayad ng bill ni Nora
Nilinaw ni Cristy Fermin sa kanyang programa na ‘Cristy Ferminute’ na si BBM ang nagbayad ng bill ni Nora at hindi ang PCSO.
Ani Cristy : “Kaya ang Pangulong Bongbong Marcos po ang nagbayad ng hospital bill ni Ms Nora Aunor hindi ang PCSO, wala pong sinabi si Ms. Imelda Papin na PCSO ang nagbayad ng hospital bill.
“So, napakalinaw po ‘yan, kaya ‘yung nag-text (nag-post sa Facebook account) sana maunawaan mo rin na direct from the horses’ mouth itong sinasabi namin. Walang sinabi si Imelda na PCSO ang nagbayad ng mga nagastos sa hospital ni Ms Nora Aunor,” dagdag ni Cristy Fermin.
Nora cause of death
Si Nora ay naihatid na sa kanyang huling hantungan sa libingan ng mga bayani noong April 22, 2025 na dinagsa ng mga kamag-anak, mga kaibigan at mga tagahanga ng nag-iisang “Superstar”.
Kung ating babalikan, gulat na gulat ang buong bansa sa biglaang pagpanaw ng superstar na si Nora Aunor, kinumpirma ito ni Ian de Leon sa isang panayam, ang nag-iiisang biological child ng singer-aktres.
Pumanaw si Nora noong April 16, 2025 sa edad na 71, ang cause of death ng superstar ay acute respiratory failure.