Cristine Reyes at Marco Gumabao, hiwalay na?

Cristine Reyes at Marco Gumabao, hiwalay na?
PHOTO : Cristine Reyes at Marco Gumabao

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, hiwalay na diumano sila?

Cristine at Marco break up humors

Hindi lingid sa marami na ang ‘signal’ kung hiwalay na ang dalawang magka-relasyon lalo na ang mga couple na nasa showbiz industry ay ang pag-unfollow nila sa isa’t-isa sa kanilang mga social media accounts.

Kaya naman agad na pinag-usapan ng mga netizens na may ‘mata ng Agila’ ang tungkol sa pag-unfollow sa isa’t-isa nina Cristine at Marco sa Instagram.

Napansin rin ng mga netizens na wala na silang latest posts kaya nagtataka na ang mga online marites kung ano ang nangyari sa kanila at sa kanilang relasyon.

Hindi na bago ang break up humors kina Cristine at Marco dahil last year lang ay usap-usapan rin ang kanilang hiwalayan matapos kumalat ang pictures na nagmula sa birthday celebration ni Marco.

Napansin kasi ng mga netizens na wala ang aktres sa kaarawan ng aktor.

Sa mismong kaarawan rin ni Marco ay nag-deactivate ng kanyang Instagram account si Cristine Reyes.

Cristine Reyes at Marco Gumabao timeline

Kung ating babalikan, April 2023 isinapubliko nina Cristine Reyes at Marco ang kanilang relasyon, ang aktres ay 34 years old noon habang si Marco naman ay 28, may 6 years gap ang kanilang mga edad.

Si Cristine ay may isang anak (si Amarah Khatibi) sa dati nitong asawa na si Ali Khatibi at ikinasal sila noong January 2016.

Si Marco naman ay kasalukuyang tumatakbo bilang Camarines Sur 4th District Representative sa darating na midterm elections.

Cristine Reyes at Ali Khatibi annulment

February 1 2024, ibinahagi ni Cristine sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ na annulled na siya sa dati niyang asawa na si Ali Khatibi.

Sa tanong ni Tito Boy kung annulled na si Cristine, sagot ng aktres : “Yes po, Tito Boy. Matagal na po. More than year na po.

“Hindi ko naman siya in-announce, eh. It’s not something I should celebrate.” dagdag ni Cristine.