No more baby no. 6 para sa mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano dahil sumailalim na ang huli sa isang vasectomy procedure.
Ano ang Vasectomy na ginawa kay Drew Arellano?
Ayon sa isang health website, ang vasectomy ay isang procedure na ginagawa sa isang lalaki na may kagustuhang magkaroon ng birth control o family planning.
Sasailalim ang lalaki sa isang operasyon upang putulin o takpan ang tubo sa ari ng lalaki na siyang nagkokonekta sa dalawang bayag nito na naglalaman ng kaniyang semilya.
Advance Mother’s day gift para kay Iya Villania
Sa pamamagitan ng social media post ni Drew, dito na niya kinumpirma na sumailalim siya sa vasectomy procedure bilang advance Mother’s day gift niya umano sa kanyang asawa na si Iya Villania.
Caption ni Drew : “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. #HappyVA-SEC-TO-MEEE,”
Kung ating babalikan, huling isinilang ni Iya ang kanilang baby no. 5 na si (Anya Love) noong February 2025, 2016 naman ang Baby no. 1 na si (Antonio Primo), 2018 si (Alonzo Leon) na Baby no. 2, 2020 naman si Baby no. 3 (Alan Lauren) at year 2022 ang Baby no. 4 na si (Astro Phoenix).
Umaasa sa ngayon ang mga netizens na ‘no more baby no. 6’ na talaga matapos sumailalim sa pagpapa-vasectomy ni Drew Arellano.