Driver License ni Yanna Motovlog, pinapabalik na ng LTO

Driver License ni Yanna Motovlog, pinapabalik na ng LTO
PHOTO : The Clown Vlogger Yanna Motovlog

Suspendido sa loob ng 90 days ang drivers license ni Yanna Motovlog dahil sa road rage issue nito sa Zambales kamakailan.

Show cause order, inilabas ng LTO laban kay Yanna Motovlog

Kung ating babalikan, pinerahan ni Yanna o Alyanna Mari Aguinaldo ang isang video sa social media nang sagutan at panlalait nito sa isang pick-up driver sa Zambales.

Sa viral video sinita ni Yanna ang pickup driver dahil hindi umano ito gumagamit ng kanyang side mirror pero kitang-kita naman sa kanyang video na mismong ang motor niya ang walang nakalagay na side mirror.

Matapos mag overtake ni Yanna sa naka pickup ay agad itong naglabas ng kanyang ‘middle finger’ at dito na nila hinintay sa unahan si Manong na naka-pickup para umano ‘sapakin’.

Bumaba ang naka-pickup at dito na sila nagsimulang magsagutan, naitanong kay Yanna ng pickup driver kung bakit nagmi-middle finger ang motovlogger pero galit na galit si Yanna at ang pasigaw niya na tanong sa pickup driver na ‘bakit nga ba? You tell me?’ na may sabay pagmumura pa sa pickup driver.

Matapos mag-viral sa social media ang video, naglabas ng official statement ang province of Zambales na pinapatawan nila ng ‘Persona Non Grata’ si Yanna.

Ayon naman sa mga netizens, ang pagka-Persona Non Grata ng vlogger sa Zambales ay ang isa sa pinaka-satisfying news na nabasa nila ngunit hiling rin nila na sana makasuhan pa ang content creator.

Posibleng haharap sa patong-patong na kaso si Yanna matapos pumalag ang pamilya ni Kuya na naka-pickup matapos inupload ang video na kita pa ang mukha nito na walang pahintulot.

Sa show cause order ng LTO o Land Transportation Office, hinihikayat nila si Yanna na pumunta sa kanilang tanggapan upang magpaliwanag.

Dahil sa bisa rin ng kanilang show cause order, suspendido ang drivers licence nito sa loob ng 90 days at kinakailangan na i-surrender ito ni Yanna sa LTO.

Ayon sa LTO : “Matagal na tayong nagpapaliwanag sa milyon-milyong nating mga kababayang motorista na walang mabuting idinudulot ang init ng ulo sa kalsada—at napakarami na ang naparusahan natin dito”