Kim Rivera, bagong girlfriend ni Piolo Pascual?

Kim Rivera, bagong girlfriend ni Piolo Pascual?
PHOTO : Piolo Pascual and Kim Rivera

Usap-usapan sa social media sina Piolo Pascual at Kim Rivera, hinuha tuloy ng mga netizens kung ito na ba ang new girlfriend ng aktor?

Piolo Pascual, new girlfriend si Kim Rivera?

Viral ngayon sa social media ang larawan ng chinese-filipino model na si Kim Rivera kasama ang aktor na si Piolo Pascual habang nasa isang bakasyon.

Katanungan tuloy ngayon ng mga netizens kung si Rivera na ba ang new girlfriend na nagpapakilig at nagpapatibok sa matagal nang natutulog na puso ni Piolo Pascual.?

Kung ating babalikan, inamin ni Piolo sa ‘Toni Talks’ na 13 years na siyang single.

Aminado din si Piolo na hindi na niya alam ang ibig sabihin ng ‘lovelife’ dahil sa sobrang tagal ng panahon ng pagiging single niya.

Aniya : “Ang tagal na, eh. ‘Di ko na alam ‘yung lovelife, eh,

“Sinabi sa akin ni Pastor Julius ‘yun, ‘the more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not gonna look for it,

“Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work.

“I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because…eh, nasanay na, eh,” pahayag ni Piolo.

Larawan ni Piolo at Kim sa Baler

Si Kim Rivera mismo ang nagbahagi ng larawan nilang dalawa ni Piolo Pascual sa social media noong April 9 mula sa kanilang bakasyon sa Baler.

Caption pa niya : “Reliving these moments,”

Sa naturang larawan makikita na super lapit ng kanilang mga mukha na halos dumampi na ang labi ni Piolo sa model, halos nahalikan na rin ng aktor ang sentido ni Kim.

Kim, sinabing hindi si Piolo ang nasa larawan

Isang netizen naman ang napatanong kay Kim sa kanyang social media post kung si Piolo Pascual ba ang kanyang kasama.

Sinagot ito ni Kim na hindi, at magkamukha lamang raw umano sila ni Piolo.

Ngunit, napansin ng mga netizens na kumpirmadong si Papa P. ang nasa larawan dahil nagtugma ang tattoo sa kanang braso ng kasama ni Kim sa tattoo ni Piolo Pascual.