Usap-usapan sa social media ang new bf o boyfriend ni Kitty Duterte at ito ay si Vic Singson, ang apo ni Chavit.
Sa kabila ng kontrobersya sa ama ni Kitty na si Former President Rodrigo Duterte ay tila masayang ibinahagi ng dalaga ang kanyang lovelife sa social media.
Sino ang boyfriend ni Kitty Duterte?
Todo flex si Kitty sa kanyang bf na si Vic Singson, sa latest post nila online na tila ‘hard launch’ nilang dalawa, dito kumalat ang kanilang larawan na magkasama habang naka-mirror shot, kuha umano ang kanilang larawan sa kanilang date.
Hindi naman nagpahuli si Vic at nirepost rin niya ang larawan nilang dalawa ni Kitty sa kanyang Instagram account.
Matagal-tagal nang pinaghihinalaang may ‘something’ talaga sa pagitan nilang dalawa matapos silang mamataan na magkasama sa iba’t-ibang lugar.
Si Vic ay ang apo ng negosyante, bilyonaryo at dating Ilocos Sur governor na si Chavit Singson.
Kitty and Evan Nelle
Kung ating babalikan, umugong ang tungkol sa lovelife ni Kitty Duterte noon na nakikipag-date siya sa De La Salle University Green Archers star guard na si Evan Nelle.
Napansin rin ng mga netizens na naka-unfollow na sina Kitty at Evan sa isa’t-isa sa Instagram, ang nagkukumpirma ng kanilang hiwalayan.