Usap-usapan sa social media ang tungkol sa break up ng kapuso aktres na si Kyline Alcantara at ng basketball player na si Kobe Paras.
Kyline at Kobe, hindi na naka-follow sa isa’t-isa
Agad na napansin ng mga netizens na mayroong ‘Eagle eye’ ang hindi na pag-follow ni Kyline sa basketball player sa Instagram, agad naman nilang napansin kalaunan ang pag-unfollow back ni Kobe sa aktres.
Ayon sa source ng veteran columnist na si Ogie Diaz, ang dahilan umano nang hiwalayang Kyline at Kobe ay thirdparty na napag-usapan nila sa kanilang Youtube show na ‘Showbiz Update’.
Kyline Alcantara at Kobe Paras break up confirmation
Ayon kay Ogie Diaz, nakarating na umano kay Kyline ang pambabae ni Kobe at kinumpirma nila ang break up nina Kyline at Kobe.
Ani Ogie Diaz : “Na-prove ni Kyline daw na totoo, may babae itong si Kobe… Eh ang sabi pa sa akin ay nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia tapos nandoon rin daw ‘yung girl..
“Ang labis pang ikinairita ni Kyline ayon pa sa ating source, na sabi ni Kyline sa kanya na, ‘Ang kapal ng mukha ni Kobe kasi gamit pa ang mga sasakyan ko habang nagtsi-cheat.” pahayag ni Ogie.
Sino ang thirdparty?
Ayon sa balitang sinulat ng ‘Bandera’, kinumpirma ng iilang fans ni Kyline na isang babaeng may asawa umano ang naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang dalaga kay Kobe.
Ang thirdparty na ito sa relasyon nina Kyline at Kobe ay isang maganda at sexy raw, dalawang taon na rin raw nagsa-sama ang babae at asawa nito.
Ayon sa usap-usapan sa social media, nagka-kilala umano sina Kobe at si married girl sa isang bar ‘Bando Bar’ kung saan part owner ang basketball player.
Nabasa diumano ng aktres ang palitan ng mensahe o conversations nina Kobe at ni thirdparty na naging dahilan ng break up nilang dalawa.