Lotlot kay Nora Aunor : “We will take care of your legacy, Ma!“

Lotlot kay Nora Aunor : “We will take care of your legacy, Ma!“
PHOTO : Lotlot de Leon at Nora Aunor

May madamdaming pangako ang anak ni Nora Aunor na si Lotlot de Leon matapos pumanaw at inilibing ang Superstar.

Pangako ni Lotlot kay Nora Aunor

Ibinahagi ni Lotlot sa kanyang social media ang pangako niya sa kanyang inang si Nora Aunor na itutuloy nilang magkakapatid ang legacy na naiwan ng superstar.

Sa Instagram post ni Lotlot, inamin niya na patuloy parin siyang nagsusumikap na maging matatag sa kabila ng kanyang pagdadalamhati dahil sa biglaang pagpanaw ni Nora Aunor.

Ani Lotlot : “Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na din naman sayo lahat mommy.. at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo.

“Yung tinuro mo sa akin na maging matatag sinusubukan ko po talagang gawin. Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita nyo po yun.

“They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo sobrang grateful po. Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma..

“alam ko hindi mo kame pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid.

“And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko. Rest easy ma..

“Your daughter forever,  Lot [white heart emoji].” mensahe ni Lotlot kay Nora Aunor.

Si Nora ay naihatid na sa kanyang huling hantungan sa libingan ng mga bayani noong April 22, 2025 na dinagsa ng mga kamag-anak, mga kaibigan at mga tagahanga ng nag-iisang “Superstar”.

Nora cause of death

Kung ating babalikan, gulat na gulat ang buong bansa sa biglaang pagpanaw ng superstar na si Nora Aunor, kinumpirma ito ni Ian de Leon sa isang panayam, ang nag-iiisang biological child ng singer-aktres.

Pumanaw si Nora noong April 16, 2025 sa edad na 71, ang cause of death ng superstar ay acute respiratory failure.