Usap-usapan sa social media ang national costume ni Winwyn Marquez na may temang aswang sa preliminaries ng Miss Universe Philippines 2025.
Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang tema ng NatCos ni Winwyn at nakatanggap ito ng samu’t-saring batikos online lalo na mula sa mga pageant fans.
National Costume ni Winwyn Marquez inspired sa Aswang movie noong 1992
Ayon kay Winwyn sa pamamagitan ng kanyang social media post, ang kanyang national costume ay inspired sa isang horror movie noong 1992 na pinagbidahan ng kanyang ina na si Alma Moreno.
Aniya : “This costume, in collaboration with Obra Grandiosa by Bryan Diego, is inspired by the 1992 Regal film ‘Aswang’ where my mother, Alma Moreno, played the lead role while pregnant with me”
“It was designed to reflect the aswang as a terrifying shape-shifter.. graceful and elegant at first glance, but deceptive and fearsome underneath.
“Made with rhinestones, acrylic beads, teardrops, embroidery laces, 3D patterns, and spray paints in earth tones, it’s a chilling tribute brought to life and an homage to the rich legacy of Filipino cinema” dagdag ni Winwyn.
Marami naman sa mga netizens ang kumikwestyon kay Winwyn dahil hindi umano angkop ang Aswang bilang national costume sa isang magarbong pageant competition.
Anila : “Sa daming custume yan pa talaga naisip nag designer mo.”
“Pangit naman talaga…dami daming puwedeng e represent as a national costume eh aswang pa…sonbrang pangit….yong iba nga di naniniwala sa aswang….sino bang nakaisip nyan?”
Si Winwyn Marquez ay candidate para sa Miss Universe Philippines 2025, bitbit niya ang Muntinlupa sa kanyang paglahok sa nasabing patimpalak.