Matapos ang breakup nina Kyline Alcantara at Kobe Paras, tila sabay na lumutang ang pangalan ng new girlfriend diumano ng basketball player.
Sino ang new girlfriend ni Kobe?
Hindi talaga tumigil ang mga marites online hanggang sa bigla silang sumakses sa paghahanap sa ‘new girlfriend’ diumano ng basketball player na si Kobe Paras.
Kung ating babalikan, mainit na pinag-usapan sa social media si Kobe Paras matapos itong mamataan sa Bali, Indonesia habang nasa bakasyon na may ka-holding hands na isang girl, pero hindi si Kyline Alcantara ang kasama nito.
Kaya agad na nag-imbestiga ang mga kapwa natin marites online at viola! nahanap nila si mystery girl at ito ay ang singer na si Rhaila Tomakin.
Sino si Rhaila Tomakin?
Si Rhaila pala ay isang singer na under ng O/C Records na pagmamay-ari ng celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.
Agad na nalaman ng mga netizens kung sino ang ‘new girlfriend’ ni Kobe Paras dahil sa mga social media stories nilang dalawa ni Rhaila na may parehong background.
Anyway, hindi pa ito confirmed na si Rhaila ang dahilan sa breakup nina Kobe at Kyline, hindi parin tayo sure if siya nga ba talaga ang ‘thirdparty’ sa relasyon ng dalawang celebrity couple.
Kyline Alcantara at Kobe Paras break up
Ayon kay Ogie Diaz, nakarating na umano kay Kyline ang pambabae ni Kobe at kinumpirma nila ang break up nina Kyline at Kobe.
Ani Ogie Diaz : “Na-prove ni Kyline daw na totoo, may babae itong si Kobe… Eh ang sabi pa sa akin ay nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia tapos nandoon rin daw ‘yung girl..
“Ang labis pang ikinairita ni Kyline ayon pa sa ating source, na sabi ni Kyline sa kanya na, ‘Ang kapal ng mukha ni Kobe kasi gamit pa ang mga sasakyan ko habang nagtsi-cheat.” pahayag ni Ogie.
Nabasa diumano ng aktres ang palitan ng mensahe o conversations nina Kobe at ni thirdparty na naging dahilan sa breakup nilang dalawa.