Kinasuhan ng human trafficking at attempted murder ang Davao 1st District Representative na si Paolo Duterte.
Kinasuhan si Paolo ng criminal complaints ng isang negosyante dahil sa pambubugbog at death threats matapos magbayad ng kulang sa isang babae si Duterte.
Paolo Duterte, kinasuhan
May 2, 2025 sinampahan ng mga kaso si Paolo sa Davao City ng isang negosyante na nagngangalang Kristone John Patria y Moreno, 37.
Sa sinumpaang salaysay ni Kristone, 3am February 23, 2025 (sa Hearsay Gastropub Bar, Davao City) nangyari ang pambubugbog at mga pananakot sa kanya ni Paolo Duterte.
Ani Kristone : “Nagulat na lang po ako nang pinag-gugulpi na niya ako, headbutt habang pinagmumura at pinagbantaan na ‘papatayin kita!’.
“bigyan ko daw ang kaniyang mga bodyguard ng tatlong babae at doon ay nabigyan ko ang dalawang bodyguard at isang driver.
“Nalaman niya (Paolo Duterte) na may bodyguard siya na hindi nakasamang lumabas. Sa galit niya ay sinabi niya na buti pa yung driver na naka isa sa mga babae, yung bodyguard niya mismo hindi nakakuha ng babae.” ani kristone.
Ibinahagi rin ni Kristone kalaunan raw ay nagbayad na si Paolo sa mga babae, ngunit ang isa sa mga ito ay nakatanggap lamang ng P1,000 na dapat raw ay P13,000.
Ani Kristone : “Nagtanong ang babae kung bakit ganoon lang ang binigay sa kaniya at doon na nagalit si Paolo Duterte,
“Nalaman ko ito dahil sa nagsabi siya na ako ang magbabayad ng pera sa naka-sex niyang babae at kung di ko daw bayaran ang babae ay ako raw ang kanyang papatayin at ha-huntingin.” say ni Kristone.
Ayon kay Kristone, tumagal umano ang pambubugbog sa kanya ng dalawang oras at tumigil lamang ang pananakit nang umalis na si Paolo Duterte.