Pitacash loan app review, interest, Philippines

Pitacash loan app review, interest, Philippines
PHOTO : Pitacash

Ang Pitacash ay may offer na cash loan at available ang app nila to install sa mga android users, basahin ang article na ito bago mag-apply.

Pitacash loan app review

Kung ikaw ay naghahanap ng legit loan app na may fast approval pwedi mong subukan ang Pitacash pero bago ka mag apply, basahin mo muna ng maayos ang write up kong ito.

PitaCash Loan App benefits

  1. Flexible term loan
  2. Max loan upto PHP25,000 (as April of 2025)
  3. Transparent interest rate and service fee

Requirements to apply

  1. Download the app (available sa Playstore)
  2. 21-70 years old
  3. Filipinos living in the Philippines
  4. 1 government valid ID (with Photo bearing and signature)

Based on my experience with PitaCash (my review)

I downloaded the Pitacash loan app October 26, 2022 (approved the same day) at based sa loan history ko sa mismong app nakapag-reloan na ako sa kanila ng 12 times.

Initial limit na ibinigay sa’kin ng Pitacash ay PHP1000, almost 3/4 ang kanilang interest sa loob ng isang buwan at super bigat talaga.

Loan amount ko : PHP1,000 and need ko bayaran after 1 month is PHP1,710.

Fast forward just today (April 26, 2025) after 12 times na ang na-loan ko sa Pitacash app ang limit ko na ay PHP3,750 (matagal sila mag increase, 4th successful payment bago tumaas limit) so dapat ‘no delays’ sa pagbayad para mas mabilis mag-increase.

Ang maganda lang if di mo iisipin ang interest ay buo mo na makukuha ang credit limit mo (di tulad sa ibang loan app na bawas na), sa nakuha kong PHP3,750 ang need ko bayaran sa loob ng isang buwan ay PHP5955, lumalabas na ang interest ko sa buong buwan ay PHP2,205.

Legit ba ang PitaCash?

Yes! legit loan app sila but nagkaka-talo lang talaga sa interest, hindi tulad ng Billease, Tala, Maya Credit etc. super baba ng kanilang mga interest.

Bakit ko nire-reloan parin ang Pitacash ko?

Bakit? dahil ang Pitacash ay submitting entity sa CIC, meaning kung maganda ang pagbayad mo kay PitaCash mas mabilis mag-improved ang credit score mo, the way na mataas ang credit score mo is pwedi ka nang mag-avail ng cash loan sa mga banks, lalo na sa mga credit cards.

Apply or nah??

Nasa sayo kung susuntok ka sa buwan dahil sa mataas na interest ni Pita, kung may life or death situation ka at badly needed mo talaga ng pera try PitaCash loan app.