How true kaya ang chika na may nangyaring break up sa relasyon ng aktres na si Sofia Andres at ng businessman na si Daniel Miranda?
Sofia Andres and Daniel Miranda break up
Hindi lingid sa marami na ang ‘signal’ kung hiwalay na ang dalawang magka-relasyon lalo na ang mga couple na nasa showbiz industry ay ang pag-unfollow nila sa isa’t-isa sa kanilang mga social media accounts.
Kaya naman agad na pinag-usapan ng mga netizens na may ‘mata ng Agila’ ang tungkol sa pag-unfollow nina Sofia at Daniel sa Instagram.
Agad na naghinala ang mga online marites na baka raw ay hiwalay na talaga ang dalawa.
Kung ating babalikan, agaw pansin rin ang mga naging cyrptic posts ng aktres na si Sofia sa social media, ito ay ang tungkol sa taong dumaan lang sa kanyang buhay pero hindi nagtagal.
Ani Sofia : “Only to realize some souls aren’t meant to stay — they pass through like seasons, loud with storms, soft with sun,
“And still… with all the love in me, I opened the door wide and watched the wind carry you gently away.” caption ni Sofia.
Hindi lang ‘yan dahil sa hiwalay na post ni Sofia, makikita ang larawan ng magagandang bulaklak na mayroon ring madamdaming caption.
Aniya : “Strange, isn’t it? How you can weather every storm, bleed through every fight, only to be left in the silence after. Hard to tell when echoes don’t answer back..”
Sofia at Daniel relationship timeline
Taong 2018, isina-publiko nina Sofia Andres at Daniel Miranda ang kanilang relasyon, 2020 naman nila ipinakilala sa kanilang mga fans ang nag-iisang anak nila na si Baby Zoe.
Lumabas rin ang mga balita sa social media na matagal na silang kinasal dahil sa naging sagot ni Sofia noon sa isang netizen na : “Who said I’m not married?”.
Well, sana naman kung ano man ang pinagdadaan nilang dalawa ngayon sa kanilang relasyon ay agad na nila itong maayos.