“I feel like a Disney Princess.”, yan ang pagbabahagi ng aktres na si Sue Ramirez sa kanyang aktor na boyfriend na si Dominic Roque.
Sue Ramirez sinabing sana ang boyfriend na si Dominic Roque na ang ‘The One”.
Sa presscon ni Sue sa kanyang latest movie ne ‘In Between’ kasama si Diego Loyzaga, dito na ibinahagi ng aktres na sana raw si Dominic Roque na ang ‘The One’ para sa kanya.
Say ni Sue : “Ang saya lang po sa totoo lang, walang pressure. Masaya lang kami lagi, lumalabas kami, we enjoy our time together, explore, go on adventures together, and eat the best food together.”
Inamin rin ng aktres na super happy at na-appreciate niya ang mga simple gestures ng aktor sa kanya, sobrang maalaga raw kasi ito at umaasa rin si Sue na sana’y sila na nga ang magkatuluyan sa huli lalo’t 29 years old na raw siya ngayon.
Aniya : “Sobrang na-appreciate ko yung gesture niya. and my family’s getting close to him also, babaeng-babae ako! Tingnan n’yo naman kung gaano kahaba ang hair ko ngayon!
“Sobrang maalaga si Dom, I feel like a Disney princess. Sabi ko nga, parang wala naman akong kuwenta sa samahan na ‘to, parang ikaw lang lagi ang nagbibigay,
“Hindi po ako confused. Sure na ako. I think naman po, yung mga babae, kung ano ang ipinakikita sa tao, yun din ang mga gusto niyang makuha sa tao na ‘yon.
“So, kung maalaga kang tao, yung din ang gusto mong makuha from him or her. Kung napapatawa mo siya, gusto mo napapatawa ka rin niya. Reciprocation lang po talaga. Mirroring your partner is the best way to make you feel loved,” dagdag ng aktres.
Dominic hindi pa namamanhikan sa aktres
Nilinaw rin ng aktres na hindi pa namamanhikan si Dom sa kanyang pamilya, kumalat kasi online ang isang larawan na magkasama ang kanyang boyfriend at ang kanyang ina.
Ayon pa kay Sue Ramirez na matagal ng magkakilala si Dominic Roque at ang kanyang ina, ang larawan umano na kumakalat online ay kuha sa birthday ng pumanaw na ama ng aktres.
Ani Sue Ramirez : “Hindi yun pamamanhikan. Actually, nilibre pa niya yung family ko nu’ng mag-birthday ang tatay ko.”